75
Durant iiwan ang 35, palit jersey number
By

Durant iiwan ang 35, palit jersey number

Buhat nang sumalang sa NBA, iisang numero lang ang sinuot ng dating star ng Oklahoma City Thunder at Golden State Warriors.

Ngunit mag-iiba na ang sitwasyon sa pagsalang ni KD sa Brooklyn Nets.

Nitong Lunes ay pormal nang pumirma si Durant sa Nets para sa 4-year, $164M na pinakamataas sa kasaysayan ng Nets franchise.

Sa kanyang Twitter ay inihayag nito na palit na siyang jersey number, mula 35 ay magiging 7 na.

Pinaliwanag naman ni Durant ang pagpalit jersey number bilang bagong chapter sa kanyang basketball life.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?