33

Nov 28, 2020 @ 9:59

Durant: Huwag niyo akong ikumpara kay Jordan!

Kung si Kevin Durant ang tatanungin, hindi dapat madikit ang pangalan niya kay Michael Jordan pagdating sa scoring.

Sa reaksyon ni KD sa debate kung sino sa kanila ang best scorer ni MJ, sinabi nito na wala pa siya sa kalingkingan ng tinaguriang GOAT ng NBA.

Aniya, hanggang ngayon ay nanonood pa siya ng mga laban ni Jordan para matuto.

“Mj is one of one, God level, unmatched, unparalled, a pure master at this shit,” tweet ni Durant.

“I’m still watching his games to learn. Leave me out of it please.”

Nasa 5th spot si Jordan sa all-time scoring list ng NBA matapos kumolekta ng 32,292 points sa kanyang 15 season sa NBA.

Nasa 26th spot naman si Durant na may 22,940 points sa kanyang pangalan, at puwede pang umangat lalo’t 32-anyos pa lang ang Brooklyn Nets star.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?