264

Dec 26, 2018 @ 11:22
By

Durant hindi magpapauto sa kahit anong koponan

‘Ako ang masusunod’ – ‘yan ang naging mensahe ng NBA superstar na si Kevin Durant sa mga magbabalak na kunin siya para sa susunod na season.

Sa Posted Up podcast ni Chris Haynes sa Yahoo Sports, sinabi ni Durant na hindi siya magpapadala sa mga pangako at panghikayat ng mga NBA teams sa kanya.

“Ain’t nobody can recruit me no more,” mariing pahayag ni one-time NBA MVP.

“I want to dictate the environment that I want to be in… you can’t give me the bells and whistles. … I would rather see what you do on a day-to-day basis,” dagdag pa nio.

Matagal nang tumatanggap ng paycut si Durant para mapanatili ang core ng kanyang ngayong koponan na Golden State Warriors.

Nagbunga naman ito ng dalawang kampeonato para sa kanya, ngayong season ay naga-average ng 29.0 points, 7.8 rebounds at 6.1 assists kada laro.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?