28
views
kevin-durant

Durant, defending champ Warriors dinikdik ang Spurs

Sharing is caring!

Gumana ang depensa ng depending champion Golden State Warriors at nakuha ang kanilang unang panalo sa playoffs sa pamamagitan ng 113-92 victory kontra San Antonio Spurs.

Nanguna si Kevin Durant para sa Warriors sa kanyang 24 puntos, eight rebounds at pitong assists.

Nag-ambag si Klay Thompson ng 27 puntos habang ang 7-footer na si JaVale McGee ay may 15 puntos, apat na rebounds at dalawang black shots sa 16 minuto.

Tumulong din si Draymond Green sa kanyang 12 puntos, 11 assists at walong rebounds para sa Warriors na wala ang injured na si Stephen Curry.

Namuno para sa Spurs si Rudy Gay sa kanyang 15 puntos off the bench habang ang leading scorer na si LaMarcus Aldridge ay nalimitahan lamang sa 14 puntos.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?