967

Mar 9, 2019 @ 14:59
By

Durant, Curry, GSW, humahakot ng P177.7M kada laro

Hindi lang sa Western Conference standings namamayagpag ang Golden State Warriors, kundi pagdating din sa buhos ng kita.

Inilantad ni NBA Commissioner Adam Silver sa ESPN na ang defending champions na Warriors ang pinakamalakas humatak ng mga fan sa venue, na isa sa mga dahilan ay ang pagkakaroon ng limang na All-Star sa koponan.

Ang tropa nina Draymond Green, Steph Curry, Klay Thompson at Kevin Durant ay naging back-to-back champions sa huling dalawang season, ngayon ay idinagdag pa ang superstar na si Demarcus Cousins sa powerhouse team.

Humahakot lang naman ang Bay Area squad ng nasa $3.4 million kada laro, o kung sa piso ay nasa P177.7M bawat gabi.

“The Golden State Warriors make $3.4 million in gate revenue per game, best in the league. That’s not a surprise, as it’s a big market, and they’re the best team,” ayon sa ESPN report.

Ngunit hindi lang ang Golden State Warriors ang nangunguna pagdating sap era, kahit na sadlak ang koponan ng New York Knicks ay tila nanatili pa rin ang kanilang mga fan para mapanood sila ng live.

Nasa ibaba ng Eastern Conference ang Knicks, 13 na panalo kontra sa 52 kabiguan, ngunit humahatak pa rin ng kulang-kulang $3 million sa revenue, hindi nalalayo sa Western Conference second seed na GSW.

“But the New York Knicks, the league’s worst team, pull in an average of $2.9 million per game at the gate,” ayon pa sa report.

Base naman sa kalkulasyon, posibleng mas tumaas pa ang benta ng Warriors sa susunod na season lalo’t inaasahang tataas ang singil sa paglipat nila sa bagong arena na Chase Center.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?