133

Jul 16, 2019 @ 22:29
By

Durant binastos sa 2K20 ranking

Nilabas na ng NBA 2K20 ang player ratings nito.

Si LeBron James ang highest-rated sa 97 overall rating habang No. 2 si Kawhi Leonard sa 97 rating.

Sinundan sila ni Giannis Antetokounmpo sa 96 rating habang laglag sa pang-apat si Kevin Durant sa 96.

Pasok sa Top 5 si James Harden sa 96 overall ratings.

Nilunsad ang NBA 2K20 noong September para sa PS4, Xbox One, PC at Nintendo Switch.

Si Anthony Davis ang cover nito sa standard edition habang si Dwayne Wade sa legend edition.

Samantala, ang mga sumusunod ang NBA 2K20 Player Ratings (1-10)

1. LeBron James — 97

2. Kawhi Leonard — 97

3. Giannis Antetokounmpo — 96

4. Kevin Durant — 96

5. James Harden — 96

6. Steph Curry — 95

7. Anthony Davis — 94

8. Paul George — 93

9. Damian Lillard — 92

10. Joel Embid – 91

Hindi naman pabor sa ratings ang ilang mga netizen, dapat umano si Durant ang may 97 rating at 96 lang si Kawhi pati si LeBron hindi rin daw deserving ng top spot.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?