27

Durant binalikat muli ang Warriors, wagi sa Pistons

Sharing is caring!

Muling binalikat ni Kevin Durant ang kulang sa tao na Golden State Warriors sa pangalawang pagkakataon kung saan tumapos siya na may 36 points sa paggapi ng Warriors sa Detroit Pistons, 102-98.

Ikalawa na rin itong triple-double ni Durant na nagdagdag din ng 10 rebounds at seven assists sa pang-anim na sunod na panalo ng Warriors.

Sa laban nila kontra Charlotte Hornets ay lumagare na ng 35 points, 11 rebounds at 10 assists si Durant dahil sa pagliban ng dalawa niya kakampi na sina Stephen Curry at Draymond Green na kapwa may iniindang injury.

Dahil sa panalo’y naging ika-11 koponan ang Warriors sa league history na naka-sweep ng six-game road trip kung saan huling nakagawa nito ay ang Los Angeles Lakers noong 2008-09 season.

Nakabalik na si Green mula sa namagang balikat at tumulong sa Warriors ng 13 assists.

Samantala, may 25 points na nakana si Avery Bradley para sa Pistons, na limang sunod na ang pagkatalo.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?