16

Jan 27, 2021 @ 16:26
By

Duque umaasang isasapubliko pagbakuna kay Duterte

Umaasa ang Department of Health (DOH) na magbabago ang desisyon ni Pangulong Rodrigo Duterte at ipapakita sa publiko ang kanyang pagpapabakuna kontra COVID-19.

Sa Laging Handa press briefing, sinabi ni Health Secretary Francisco Duque III na harinawa ay magbago ang isip ng Presidente at tularan ang ginawa ng ilang world leader na isinapubliko ang pagpapabakuna para hindi mag-alinlangan ang mga tao sa pagpapaturok ng COVID vaccine.

“Hopefully he might change his mind because we know that there are some world leaders who have openly had themselves vaccinated in public,” ani Duque.

Pero sinabi ng kalihim na inirerespeto nila ang desisyon ni Pangulong Duterte na gawing pribado ang kanyang pagpapaturok sa puwet.

“Iyong kanyang desisyon na halintulad doon sa monarchy ng England, the Queen of England did not want to be vaccinated in full view of the public so let’s respect that,” dagdag ni Roque.

Idinagdag ng kalihim na pareho lamang ang epekto ng bakuna kung sa braso o sa puwet ito ituturok.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?