21

Dec 17, 2020 @ 16:21
By

Duque swak sa graft kung mapatunayang nakialam sa Pfizer deal – Pangilinan

Mahaharap sa kasong graft si Health Secretary Francisco Duque III kung mapatunayang nagkamali sa paghawak sa Pfizer COVID-19 vaccine deal, ayon kay Senador Francis Pangilinan.

“Kung totoo ito na nagkulang ang DOH (Department of Health), gross and inexcusable negligence sa anti-graft law ang posibleng kaso,” pahayag ni Pangilian sa mga reporter.

“Huwag naman sana na may issue ng ‘kickvacc’ sa dropping of the ball ng Pfizer vaccine procurement,”dagdag nito.

Noong Miyerkoles, sinabi ni Senador Panfilo Lacson na dapat sana’y nakatitiyak na ng delivery ng 10 milyong Pifzer vaccine sa Enero 2021 kung trinabaho lang ni Duque ang kinakailangang documentary requirement, ang confidentiality disclosure agreement (CDA).

Ito’y kasunod ng pahayag ni Foreign Affairs Secretary Teodoro Locsin Jr. na may nakialam sa Pfizer deal ng COVID-19 vaccine.

“If it can be established that there was inexcusable failure to act that has led to injury either to the government or any party, then Section 3e of the Anti-Graft Law will apply,” sabi ni Pangilinan sa isang statement.

Nauna nang naghain ng resolusyon si Pangilinan na nananawagan para sa pagdinig ng Senate Committee of the Whole kaugnay na COVID-19 vaccination program ng gobyerno.

“Milyon-milyong buhay at hanapbuhay ng Pilipino at trilyon-trilyong piso ng economic activity ang nakataya rito. Hindi puwedeng mabigo ang vaccine rollout nang dahil sa kurakot o kapalpakan,” sabi ni Pangilinan.

“This is precisely why convening the Committee of the Whole is a critical next step. These allegations of negligence or incompetence in the procurement of vaccines must not be left unchecked if we are to prevent a failure in the massive vaccine rollout,” dagdag nito.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?