17

Feb 22, 2021 @ 15:32

Duque sa publiko: Kaunting pasensya pa, darating din bakuna!

“Konting pasensya po ang aking pinapakiusap, umaapela po ako sa taumbayan” – ito ang naging paki-usap ni Health Secretary Francisco Duque III sa publiko kaugnay sa naantalang pagdating ng mga COVID-19 vaccine sa bansa.

Aniya, nagkukulang kasi ang suplay ng bakuna dahil sa mga bansang pumapakyaw nito.

“Makakaasa kayo na darating at darating na po ang mga bakunang iyan. Pero dapat ipaliwanag ko din na ang pangunahing dahilan kung bakit wala pang bakuna ay talaga naman iyong global supply shortage,” paliwanag niya sa panayam ng CNN.

“So ‘yan talaga ang malaking problema natin.. global shortage of the supplies, inequitable access, vaccine nationalism in the first world countries that tend to corner the chunk of the vaccine supplies,” saad niya sa hiwalay na panayam ng The Source.

Una nang nanghingi ng paumanhin si Vaccine czar Carlito Galvez Jr. noong nakaraang linggo hinggil sa naudlot na pagdating ng mga bakuna kontra sa nasabing virus.

Magugugunitang una nang sinabi ng Palasyo na maaaring maunsyami ang pagdating ng 600,00 doses ng COVID-19 vaccine mula Sinopharm dahil hindi pa inilalabas ng Food and Drug Administration ang emergency use authorization nito sa bansa.

BASAHIN: https://tnt.abante.com.ph/galvez-nag-sorry-sa-naantalang-pagdating-ng-covid-19-vaccine/

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?