19
ABANTE FRANCISCO DUQUE DOH CONSULTANT
By

Duque sa ex-DOH consultant: Maglabas ka ng ebidensiya vs DOH mafia

Sharing is caring!

Hinamon ni Health Secretary Francisco Duque na maglabas ng ebidensya ang dating consultant ng Department of Health na nag-kusa na mayroong “mafia” sa ahensya na nakinabang sa mga kontrata ng ahensya gaya ng pagbili ng kontrobersyal na kontra-bakuna na Dengvaxia.

Tiniyak din naman ng kalihim na iimbestigahan nya ang alegasyon ni Dr. Francis Cruz, consultant sa DOH nung panahon ni dating Secretary Paulyn Jean Ubial.

Nitong Sabado, inakusahan ni Cruz ng katiwalian at maari pa umanong pandarambong si dating DOH Secretary Janette Garin at iba pang dati at kasalukuyang nanunungkulan sa DOH.

Mayroon aniyang ghost projects ang DOH at gawain dito ang “conversion” kung saan 90 porsyento umano ng salapi para sa proyekto ang bumabalik sa DOH at ang 10 porsyento ay napupunta sa financier.

“Tinitingnan natin iyan at kung meron silang ebidensha, maganda maglabas sila kasi mahirap naman yung magsalita ka lang na may mafia rito, mafia roon kung wala ka namang patunay, mahirap ‘yon,” pahayag ni Duque sa panayam sa Super Radyo DZBB.

“Huwag din nating balewalain yung kaniyang sinasabi kaya magpapa imbestiga tayo ng sinasabi nyang mafia,” ani Duque. (Isaac Mendez)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?