50
Duque sa 3 nasawing doktor: Nagbuwis sila ng buhay para sa mga Pilipino
Mar 23, 2020 @ 11:12

Duque sa 3 nasawing doktor: Nagbuwis sila ng buhay para sa mga Pilipino

Kinumpirma ni Health Secretary Francisco Duque III na tatlong doktor ang nasawi sa gitna ng kanilang pakikipaglaban kontra sa coronavirus.

“Tayo’y nakikiramay sa kanilang mga pamilya. Ito’y bayani na talaga namang binuwis nila ang buhay nila para sa pangangalaga sa kanilang kapwa mamamayan na may sakit,” sabi ni Duque sa panayam sa DZBB.

Ayon sa kalihim, mabibigyan ang mga bayaning health worker ng tamang pagkilala. (Gel Manalo)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?