ABANTE TNT doh heal duque visit dengvaxia
By

Duque pinakakalma ng Palasyo sa kaso kaugnay sa Dengvaxia

Sharing is caring!

Pinawi ni Pangulong Rodrigo Duterte ang pangamba ni Health Secretary Francisco Duque sa mga kasong kinakaharap nito kaugnay sa kontrobersiyal na Dengvaxia vaccine.

Sinabi ni Presidential Spokesman Harry Roque, mismong ang Pangulo ang nagsabi kay Duque na huwag mag-alala dahil hindi naman aniya tatayo ang kaso sa korte.

Ayon kay Roque, abogado ang Pangulo kaya alam nitong pulsuhan kung may kapupuntahan o wala ang isang kaso.

“Sinabihan niya si Secretary Duque, bagama’t maraming kaso laban sa kaniya, huwag mag-alala. As a lawyer his profession opinion is wala namang pagkakakulong iyon dahil it will not prosper, that was a professional opinion of the President,” ani Roque.

Pero nilinaw ng kalihim na nasa mga piskal pa rin ang kapangyarihang magdetermina kung may basehan ba o wala ang mga reklamong inihain laban sa DOH secretary.

“But of course it will still be up to the investigating fiscals to determine probable cause and it will have to be before a regular court ‘no, a regular court that will determine proof beyond reasonable doubt,” dagdag pa ni Roque.

Bagama’t hindi nangyari sa ilalim ng pamamahala ni Duque ang palpak na vaccination ng Dengvaxia, kinasuhan pa rin ito sa korte ng reckless imprudence resulting to homicide ng pamilya ng mga nasawing biktima.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?