32

Oct 14, 2021 @ 16:23
By

Duque nadedma sa tanggal-quarantine rule

Nilinaw ni Department of Health (DOH) Secretary Francisco Duque III ngayong Huwebes na hindi siya kinonsulta nang pagpasyahan na tanggalin na ang quarantine para sa mga dumarating na bakunadong biyahero mula sa mga bansa na ‘green’ o low-risk sa COVID-19.

Ang pagpapasya ay desisyon ng Inter-Agency Task Force (IATF), kung saan si Duque ang chairperson.

“I just want to put on record that I wasn’t part of the IATF that deliberated on this yesterday, because I was in a budget hearing with the Senate,” wika ni Duque sa panayam ng ANC.

“I was told that in some countries, they’re doing this now. But those countries can afford to do it because their national vaccination coverage is more than 70%, whereas we are only at 30%,” dugtong pa ng kalihim.

Kaya ayon kay Duque, muli niyang idudulog sa pagpupulong ng IATF ang naturang desisyon.

“Not all travelers are passing through NCR. Some travelers are going to Davao, to Cebu, to other airports, so that’s a cause of concern, no? So I’m going to raise this later,” aniya. (mjd)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?