31

May 21, 2020 @ 15:54
By

Duque mali ang konklusyon, datos sa COVID-19 – Lacson

Hindi sang-ayon ang iba pang mga senador sa aniya’y ‘premature’ na pahayag ni Health Secretary Francis Duque III na nasa second wave na ang bansa ng coronavirus disease 2019 (COVID-19) infections.

Ayon kay Senador Panfilo Lacson, hindi pa aniya nakakalagpas ang bansa sa first wave kaya’t imposible ang sinasabi ng kalihim.

“Not only do I not agree but medical experts have also expressed their disagreement with the statement attributed to Secretary Duque,” ani Lacson.

“Because we have not yet gone past the first wave so how can we say na we are now already confronting the second wave?” pahayag pa nito sa panayam sa ABS-CBN News Channel.

“That’s one way of patting himself on the back. But not for a good reason. If you are basing your statement only to pat yourself on your shoulders and you are basing your statement on wrong conclusion, you are doing your country a disservice,” ayon pa kay Lacson.

Sa pagdinig ng Senate Committee of the Whole noong Miyerkoles, inihayag ni Duque na kasalukuyang nakakaranas ang Pilipinas ng second wave ng coronavirus infections.

Nauna na umanong nangyari ang unabg bugso noong Enero kung saan naitala ang unang tatlong kaso na pawang mga Chinese national na taga-Wuhan City, kung saan nagmula ang outbreak.

Paniwala ni Lacson, binabase ng DOH ang kanilang konklusyon sa hindi tamang datos.

“Because those tested say last May 1, ang result nakukuha 14 days after. It’s not accurate data, they tested 10,000 people last May 1, they should come out with those cases or the infection on that particular date, not 14 days after,” paliwanag ni Lacson.

“If we base our decision on inaccurate data, chances are we’ll be coming up with wrong decisions or wrong conclusions,” wika pa nito. (Dindo Matining)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?