49

Feb 7, 2018 @ 19:39

Duque kinumpirma na ng CA bilang DOH secretary

Inaprubahan ng Commission on Appointments (CA) nitong Miyerkoles ang nominasyon ni Francisco Duque III bilang kalihim ng Department of Health (DOH).

Ani Senador Gringo Honasan, chairman ng CA health committee, tiwala sila sa kakayahan at integridad ni Duque.

Sinegundahan ang kumpirmasyon ni Duque sa DOH nina Senators Manny Pacquiao, Miguel Zubiri, JV Ejercito at Ralph Recto.

Pinili ni Pangulong Rodrigo Duterte si Duque na iupo sa DOH noong Oktubre ng nakaraang taon matapos ayawan ng CA si dating secretary Paulyn Ubial.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?