25

Apr 17, 2020 @ 19:28
By

Duque imbitado sa Senado

Nakatakdang ipatawag si Department of Health (DOH) Sec. Francisco Duque III sa Senado hinggil na rin sa kontrobersyal na isyu kung saan pinagre-resign ito.

Ayon kay Senator Panfilo Lacson, planong padaluhin sa Senado ang Health secretary upang maidepensa ang kanyang sarili at masagot ang mga puna sa kanya ng mga senador.

Nauna rito’y agarang pinagbibitiw sa kanyang puwesto ng ilang mga senador si Duque dahil sa umano’y palpak na pamumuno nito sa pagtugon sa krisis na dulot ng coronavirus disease o COVID-19 sa bansa.

Maging si Inter-Agency Task Force (IATF) Sec. Karlo Nograles ay ‘di naawat sa pag-react sa nasabing isyu.

“Nakakapagtaka na noong lumabas iyong resolution calling for the resignation of Sec. Duque, ang dami na lumabas na pangalan na pino-float na ipapalit sa kanya,” sambit ni Nograles sa IATF virtual presser.

https://www.youtube.com/watch?v=z3skOsMIO08
Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?