19

Sep 16, 2020 @ 16:34
By

Duque: Hindi ako pabaya sa PhilHealth!

Sabi ni Health Secretary Francisco Duque III, hindi niya pinabayaan ang kanyang tungkulin bilang chairperson ng PhilHealth board.

Hiningan kasi ng reaksyon ang kalihim ukol sa mungkahi ng Justice Department-led task force kay Pangulong Rodrigo Duterte na pagsabihan siya at ang iba pang ex-officio member ng PhilHealth board ng “malubhang kahihinatnan ng kanilang aksiyon o kawalang-aksiyon”.

“I’ve said this, I’ll say it again, the board of PhilHealth is a collegial body. There is no one person who makes the decision. It is a consensus that is being built over policy issues,” wika ni Duque sa isang press conference sa Camp Crame ngayong araw.

“I can say, I was not negligent. I did not ignore, I did not neglect my duties and responsibilities as chairman of the board.”

“It’s just that really, the President has declared a state of public health emergency in February and I have been chair by way of executive order. I have been assigned or tasked to head the inter-agency task force,” lahad niya pa.

Maraming mamamayan ang nagtaka, kabilang ang ilang mambabatas, na hindi kabilang si Duque sa mga nirekomenda ng task force na kasuhan dahil sa umano’y mga anomalya sa PhilHealth.

Ito’y kahit pa binansagan si Duque bilang “godfather” ng umano’y mafia sa PhilHealth.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?