20

Apr 23, 2018 @ 14:39

Duque, hihingi ng payo kay Duterte kaugnay sa Dengvaxia case

Sinabi ni Health Secretary Francisco Duque nitong Lunes na kumukonsulta na siya sa kanyang abogado kung posible siyang maghain ng counter charges kaugnay sa kinakaharap niyang kaso na reckless imprudence resulting in homicide at paglabag sa Anti-Torture law.

Ani Duque sa panayam ng ANC, kakausapin niya sina Pangulong Rodrigo Duterte at Solicitor General Jose Calida kaugnay ng kinakaharap niya sa Dengvaxia controversy.

“I happen to be the alter ego of the President when it comes to public health and in the management of the Department of Health, which is under the office of the President,” ani Duque.

Hindi pa umano niya nakakausap ang Pangulo mula nang maisampa ang reklamo laban sa kanya ng Public Attorney’s Office.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?