17

May 4, 2021 @ 14:54
By

Duque: ‘Ginto’ ang bakuna, sunggaban niyo na!

Nanawagan si Health Secretary Francisco Duque III sa publiko na huwag magpatumpik-tumpik sa pagpapaturok ng bakuna.

Hinalintulad ni Duque ang bakuna sa ginto, dahil nasa 70 milyong Pinoy ang kailangang mabakunahan ngunit kaunti pa lamang ang suplly sa bansa.

“Ang bakuna ay ginto dahil kakaunti pa lang ang available para mabakunahan ang 70 million ng ating mga kababayan para sa herd immunity,” saad ni Duque.

“Kaya nakikiusap po tayo, itong bakunang ito, kapag nagkaroon ng pagkakataon, sunggaban niyo na dahil mahirap makakuha muli dahil limitado ang supply,” aniya pa.

Umaabot na sa lampas 3.5 milyon dose ng bakuna ang dumating sa Pilipinas, pinakahuli ay ang 15,000 dose ng Sputnik V mula sa Russia.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?