22

Dec 29, 2020 @ 10:46
By

Duque: ‘Di pa ako nabakunahan

Hindi raw alam ni Health Secretary Francisco Duque III kung sinong miyembro ng Gabinete ang tumanggap na ng COVID-19 vaccine.

Hindi rin daw siya kabilang sa mga nabakunahan nang miyembro ng Gabinete, ayon pa kay Food and Drug Administration (FDA) director general Eric Domingo sa isang panayam ngayong Martes.

Matatandaang nilantad kahapon ni Interior Secretary Eduardo Año na may ilang miyembro ng Gabinete at ng Presidential Security Group (PSG) na nabakunahan na.

Pero kinlaro ngayong Martes ni Año na isang lalaking miyembro lang ng Gabinete ang naturukan ng COVID-19 vaccine galing China.

Punto ni Domingo, iniimbestigahan na ng kanilang ahensiya ang pagtuturok ng bakuna sa ilang kawani ng gobyerno kahit pa wala pang anumang coronavirus vaccine na inaprubahan sa Pilipinas.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?