6

Aug 12, 2020 @ 16:30
By

Duque balatan sa Senate probe sa PhilHealth scam – Drilon

Dapat umanong dumalo si Health Secretary Francisco Duque III sa imbestigasyon ng Senado sa diumano’y iregularidad sa Philippine Health Insurance Corp. (PhilHealth), ayon kay Senate Minority Leader Franklin Drilon.

Sabi ni Drilon, kailangang malaman ng mga senador kung ang naging papel ni Duque sa pag-apruba sa P30 bilyong Interim Reimbursement Mechanism (IRM) bilang alokasyon para sa mga opsital ng naggagamot ng COVID-19 patients.

“Yes, he should attend, because, for example, the IRM is supposed to have been covered by a board resolution. Although there were questions raised as to when the approval came,” sabi ni Drilon sa online interview ng mga reporter.

Si Duque ay tumatayong chairperson ng PhilHealth sa kapasidad na ex-officio.

“Certainly, Sec. Duque would have to explain to the Senate how he conducted himself and whether or not due diligence was exercised as chairman of PhilHealth,” dagdag pa nito.

“Sec. Duque must appear because many of these projects were approved by the Board and he is the chairman of the Board,” dagdag pa nito.

Sa pagdnig noong Martes, sinabi ni Senador Panfilo Lacson na batay sa pagrebyu ng record ng PhilHealth, nakitang may “pattern” kung saan may ilang ospital, partikular ang mga pribado, na mas pinaboran kesa sa state-owned hospitals sa pamamahagi ng IRM.

Nabunyag din nab ago paman parubahan ng PhilHealth board ang guidelines sa paggamit ng IRM funds, namigay na ang state insurer ng P9.3 bilyong cash advance sa iba’t ibang mga ospital, partikular ang mga pinaboran ng ahensiya.

Nauna nang kinuwestiyion ni Hontiveros kung bakit hindi kasama sa iniimbestigahan si Duque sa alegasyon ng katiwalian sa PhilHealth.

“Why is the Health Secretary unscathed in all this? Isa si Secretary Duque sa mga dapat magpaliwanag ng maigi ukol sa mga alegasyon ng korapsyon sa PhilHealth,” sabi ni Hontiveros.

“In fact, he has been connected with PhilHealth in various capacities since 2001. Now on his second term as Chairperson of the Board of PhilHealth, he cannot deny responsibility for all irregularities inside,” dagdag pa ng senadora.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?