40

Sep 14, 2021 @ 15:48

Dungaw pa more! Bebot nilikida lalaking yakman sa bintana niya

Utas ang isang lalaki matapos pagbabaralin ng isang babaeng nagising sa pagkatulog sa Houston, USA.

Ayon sa ulat, isa umanong “peeping Tom” ang nasawi o isang lalaking nagkakaroon ng sexual pleasure sa pamamagitan ng panonood nang palihim sa mga bebot.

Anang biktima, natakot siya nang makita niya ang lalaki na nakadungaw sa kanyang bintana bandang alas-11 ng gabi nitong Biyernes.

Dahil dito, dali-dali niyang kinuha ang kanyang riple at pinapatukan ang kelot bilang self-defense.

Ayon sa pulisya, nadale ang lalaki sa itaas na bahagi ng kanyang katawan dahilan para siya ay masawi.

Kasalukuyang pinag-aaralan pa ng mga awtoridad ang naturang insidente.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?
Tags: ,