12

By ,

Duncil, Quezon City Capitals nalusutan ang Valenzuela Classics

Sharing is caring!

Naalpasan ng Quezon City Capitals ang Valenzuela Classic, 76-72, sa Maharlika Pilipinas Basketball League (MPBL) Datu Cup, Sabado nang gabi, Setyembre 8, sa Ynares Sports Arena sa Pasig.

Bitbit ngayon ng QC ang 3-4 na baraha habang lagapak sa 2-6 na win-loss record ang Valenzuela sa parehong North Division ng liga.

Naging pangunahing alas ng Capitals si Jojo Duncil na tumapos ng 25 puntos at apat na rebounds katuwang si Andrew Estrella na kumubra naman ng 15 puntos, limang rebounds at tatlong assists.

Bagama’t natalo ay nagawa pang maibaba ng Classic sa tatlo ang kalamangan , 74-71, sa huling 17.7 segundo ng laro pero hindi natinag ang Capitals ang tuluyang sinelyuhan ang kanilang laban.

Naging bayani naman sa Valenzuela ang dating PBA player na si Paolo Hubalde na pumoste ng 17 puntos, 10 rebounds, tatlong steals at pitong assists.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?