Abante-VisMin-Radar-kidnap-for-ransom
By

Dumukot sa 2 pulis sa Sulu, humihingi ng P5-M ransom

Sharing is caring!

Kinumpirma ni Philippine National Police (PNP) Chief Police Director General Oscar Albayalde na humihingi ng ransom na halagang P5 milyon ang armadong grupo na dumukot sa dalawang pulis sa Patikul, Sulu nitong nakalipas na araw ng Linggo.

Ngunit nanindigan ang opisyal na hindi nila ibibigay ang P5 milyon kapalit ng mga binihag na pulis.

Bawal aniya sa gobyerno ang makipagtransaksiyon sa anumang grupo na kalaban ng pamahalaan.

Nagpasaklolo na rin aniya na sila ng tulong sa local officials sa lugar para makipag-usap sa mga kidnappers na pakawalan na sina PO1 Benie Rose Alvarez at PO1 Dinah Humawad na kanilang dinukot sa Patikul.

Hanggang kaninang umaga aniya ay may proof of life pa galing sa grupo ng mga kidnapper.

Nalaman na rin aniya ng PNP-ARMM at PNP Region 9 ang grupong dumukot kina Alvarez at Humawad.

Ito ay isang grupo na kaalyado ng ASG na nag-o-operate sa Sulu.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?