37

Oct 12, 2017 @ 17:53

Dumukot kay Jonas Burgos, inabsuwelto ng korte

Pinawalang sala  ng Quezon City Regional Trial Court (QCRTC)ang natitirang akusado na dumukot  sa kilalang political activist na Jonas Burgos, kahapon.

Si Major Harry Baliaga Jr., ay pinawalang sala ng QCRTC Branch 216 makaraang walang sapat na ebidensiyang naiprisinta ang prosekusyon, sa ikinasong arbitray detention laban sa una ng pamilyang Burgos.

Sa rekord ng korte, si Jonas Burgos ay dinukot sa isang  restaurant sa Ever Gotesco Mall na matatagpuan sa Commonwealth Avenue, Quezon City, noong  Abril 28, 2007, dahil sa isa umano itong political activist sa panahon ng dating  Pangulong   Gloria Macapagal-Arroyo.

“The court decision is the most recent manifestation of the prevalent climate of impunity in the Philippines,  where even a small fry like Baliaga cannot be made accountable for his crimes,” batay sa statement ng Karapatan.

Magugunitang una nang dinismis ng Department of Justice (DOJ) noong  September 2013,  ang kasong  murder, obstruction of justice, and arbitrary detention laban sa mga matataas na opisyal ng Philippine Army, kabilang ang dating  Armed Forces of the Philippines (AFP) Chief of Staff General Eduardo Año.

“This decision was again despite an earlier Court Appeals ruling that the AFP is accountable for enforced  disappearance of Jonas and new evidence submitted to the Supreme Court on the involvement of Año et. al. What has been more enraging is the fact that following their exoneration, they have been promoted to higher positions  in the military, enabling a platform for their continued commission of human rights violations such as the killing of Lumad in Mindanao,”  nakasaad pa sa statement ng Karapatan.

Nabatid na ang dating namumuno sa Philippine Army’s Intelligence Service, na si General Eduardo Año  ay kasalukuyang Chief of Staff ng  Armed Forces of the Philippines (AFP). Habang si AFP Chief Hermogenes Esperon,  na sinasabing sangkot din sa pagdukot kay Burgos  ay  siya namang  National Security Adviser ngayon.

Sa ilalim umano ng Administrasyon Arroyo ay umabot ng  1,206 ang  extrajudicial killings, 206 enforced disappearances, at iba pang paglabag sa karapatang pantao, batay sa dokumento ng Karapatan.

Malaki ang paniwala ng grupo na ang  56th Infantry Battalion ng Philippine Army ang nasa likod ng pagdukot kay Jonas Burgos, subalit mariin namang itinatanggi ito ng mga opisyal ng  AFP na idinawit sa abduction sa nabanggit na aktibista na hanggang sa ngayon ay hindi pa rin natatagpuan. (Dolly B. Cabreza)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?