108

Dec 15, 2019 @ 10:37
By

Dumapig dinaig ang Saranggani

Sinagasaan ni Cris Dumapig ang mga humarang sa kanya sa pagkasa ng 15 points, 18 rebounds at tig-2 assist at block upang balikatin ang Basilan Steel sa pagdagok sa Saranggani, 85-82, Sabado ng gabi sa 3rd MPBL Lakan Cup 2019 elims sa Santa Rosa City Multi-Purpose Sports Center, Laguna.

Bakas pa kay Dumapig si ex-pro Dennis Daa ng 15 markers din at 14 si Irven Palencia para kapitan ng Basilan ang Group B South Division fourth place sa sixth straight victory tungo sa 15-8 win-loss record.

Nasayang lang ang 23 pts. ni Orin Catacutan at 17 ni Pari Llagas sa paghaba pa ng kalbaryo ng Saranggani (dating Socsksargen) sa 22 olats sa gayung daming salang.

Ang mga iskor:

Basilan 85 – Dumapig 15, Daa 15, Palencia 14, Hallare 9 Collado 8, Dagangon 7, Uyloan 7, Manalang 5, Alanes 3, Vidal 2

Sarangani 82 – Catacutan 23, Llagas 17, Estrellante 9, Cabanog 8, Morada 7, Dimapiles 6, Medalla 6, Eman w, Clavel 2, Trinidad 2.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?