119

Jan 31, 2020 @ 22:37
By

Dumaguete-Manila flight crew inilagay sa quarantine ng PAL

Inilagay sa quarantine ng Philippine Airlines (PAL) ang crew ng isa nilang Dumaguete-Manila flight.

Ayon sa PAL, ito’y matapos kumpirmahin ng Department of Health na sumakay ng PAL flight mula Dumaguete patungong Maynila ang 38-anyos na babaeng Chinese, na unang kaso ng 2019 novel coronavirus sa Pilipinas.

Kabilang umano sa naka-quarantine ang dalawang piloto at apat na cabin crew.

Kinokontak na rin daw ng kumpanya ang mga pasahero na nakatabi sa eroplano ng naturang infected na Chinese.

“The BOQ (Bureau of Quarantine) will take charge of placing the concerned passengers and crew under medical observation. These passengers will be guided on the next steps. We are also working to trace any onward journeys made by these passengers and crew on other flights, in case there is a need for BOQ to contact other people for precautionary medical observation,” saad ng PAL.

Inihayag din ng PAL na magbabawas sila ng flights mula Manila patungong China.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?