56
crime-scene-dead
By

Duguang bangkay ng lalake, natagpuan sa Pasig

Sharing is caring!

Isang bangkay ng duguang lalake ang natagpuang nakabulagta sa harap ng bahay nito sa Pasig City Huwebes ng gabi.

Nakilala ang biktima na si Roderick Veraña (34), residente ng T. Raymundo St, Sitio Caniogan at isang katiwala sa isang patahian sa lugar.

Inaalam pa ang sanhi ng pagkamatay ng biktima na ayon sa amo nito ay mabait at walang kaaway.

Wala ring narinig na putok na baril at komosyon ang mga residente sa lugar bago natagpuan ang bangkay ng biktima.

Kabilang sa mga angulong pinag-aaralan sa likod ng krimen ay ang posibilidad na inatake ito ng magnanakaw.

Pero ayon sa pulis na unang rumesponde sa crime scene walang natagpuang sugat sa biktima.

Dahil dito sinabi naman ng mga kamag-anak ni Veraña na maaaring nagsuka ito ng dugo dahil sa matagal na nitong tinitiis na ubo at pananakit ng tiyan.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?