221

Dec 9, 2019 @ 18:52
By

Dugong kampeon ni Samboy namana ni Jamie Lim

Nasa dugo lang ‘yan!

Nasungkit ni Jamie Christine Lim ang pangalawang gintong medalya ng PH karate team nang magreyna sa -61kgs. kumite event ng 30th SEA Games nitong Lunes.

Pinatunayan ng anak ni PBA legend Samboy Lim na nananalaytay rin sa kanyang dugo ang pagiging kampeon nang talunin niya si Zefanya Ceyco ng Indonesia sa gold medal round.

Saktong binaon ni Lim ang kanyang kamao mula sa tiyan ni Ceyco sa 20 segundong nalalabi sa orasan upang makuha niya ang 2-1 victory.

“I worked hard, no shortcuts,” saad ni Lim na nakapagtapos ng BS Mathematics sa UP bilang summa cum laude.

Nanalo rin ng gintong medalya ang kapwa PH karatedo na si Junna Tsukii sa -50kgs. kumite event nitong Sabado.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?