52

Dec 19, 2017 @ 10:23
By

Dugo ni St. John Paul II, ipinadala sa Manila Cathedral

Tumanggap ang Manila Cathedral ng isang ‘special relic’ mula sa dine-debotong si St. John Paul II.

Ang kakaibang relic ay ang dugo mismo ni dating Santo Papa at ngayon ay Santo John Paul II na nakalagay sa maliit na ‘vial’.

Ito ay ipinadala sa Manila Cathedral ni Cardinal Stanislaus Dziwisz, ang archbishop emeritus ng Krakow at dating secretary ni St. John Paul II.

“The Manila Cathedral received a very precious Christmas gift today!” nakalagay sa Facebook page ng Manila Cathedral–Basilica of the Immaculate Conception.

Nakalagay ang dugo ng Santo sa vial at ipinaloob sa isang maliit na kahon at may kasamang liham mula ka Dziwisz.

“We hope to find a proper reliquary for it soon so that we could expose it for the veneration of the faithful,” ayon sa administrators ng Manila Cathedral Facebook page.

Ipinanganak si Karol Józef Wojtyla, o St. John Paul II ay naging Santo Papa ng simbahang Katoliko mula 1978 hanggang sa pumanaw noong 2005.

Si St. John Paul II ay minahal sa buong mundo partikular na ang mamamayang Filipino at bumisita pa sa bansa noong 1991 at 1995 at tuluyang idineklarang Santo noong 2014. (Juliet de Loza-Cudia)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?