140

Oct 30, 2019 @ 12:35

Dudungisan ko si Inoue! – Donaire

Kumpiyansa si Nonito Donaire Jr. na mapapabagsak nito ang katunggaling si Naoya Inoue sa nalalapit nilang laban.

“Inoue has idolized me for years and people say he does a lot of things I do,” pahayag ni Donaire sa panayam ng Philboxing report.

“He knows I’ve got tremendous power and it’s making him rethink his options,” sambit pa nito nang magharap sila sa Muhammad Ali trophy sa Saitama sa Nobyembre 7.

Para kay Nonito, malaking puntos ang 10 years niyang agwat sa edad at ang matagal na niyang experience sa karera ng pagboboksing kaya naman tiwala ito na mapapataob niya ang 26-anyos na Hapon.

“If he plans to box, that’s not Inoue,” ani Donaire. “Offense is his go-to thing. He’s aggressive, he goes all out, targets the body, throws a lot of punches. He has a good arsenal. Fighters don’t change. They do what they’re used to. I’m expecting Inoue to attack because that’s his style.”

Bigay todo rin daw dapat ang asahan kay ‘Filipino Flash’ dahil sa kargado na ito ng 40-5 record at 26 KOs at dahil sa binuo ito ng karanasan, siguradong siya ang dudungis sa unbeaten record ni Inoue.

“(We) have studied Inoue closely, looking for tendencies, breaking down his style. I’d rather wait for fight night. That’s when I’ll see what he’s really got and I’ll do what it takes to win,” pahayag nito.

“I’ll fight smart, that’s my edge. My experience will carry me through.”

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?