65

Jul 17, 2019 @ 12:25
By

Dudley, Cook nag-agawan sa jersey number

Dalawang bagong magkakampi sa Los Angeles Lakers ang nag-aagawan para sa jersey number 2 sa parating na season.

Sa Twitter, inanunsyo ni Jared Dudley na numero dos ang kanyang isusuot na jersey number para sa Lakers.

Ngunit lingid sa kaalaman nito na sinisipat din pala ng dating GSW back-up guard Quinn Cook ang jersey number 2, na dati nitong sinuot noong nasa Durham pa kung saan nagwagi siya ng National Championship sa kanyang senior year.

Nagpaubaya naman kaagad si Dudley ng malaman na pareho sila ng sinisipat na numero ni Cook.

https://twitter.com/QCook323/status/1150880292997083136q

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?