6

By

Duchess of Sussex suportado si Serena

Sharing is caring!

Nakatakdang manood sa women’s single finals ng Wimbledon 2018 si Meghan, Duchess of Sussex, para suportahan ang kanyang kaibigan na si Serena Williams.

Ngayong Sabado ang women’s finals ng Wimbledon at maghaharap sa huling yugto sina Williams at German netter Angelique Kerber.

Kinumpirma ng Kensington Palace sa kanilang Twitter account na dadalo sa laban si Meghan kasama si Catherine, Duchess of Cambridge.

“The Duchess of Cambridge, @Wimbledon Patron, and the Duchess of Sussex will attend the Ladies’ Single Final on Saturday 14th July #Wimbledon,” saad sa tweet ng Kensington Palace.

Ang panonood ni Meghan sa women’s finals ng Wimbledon ay ang una niyang pagpapakita sa All England Club bilang isang dugong-bughaw.

Matatandaan na noong kinasal sina Meghan at Prince Harry noong Mayo ay imbitado si Serena Williams at ang asawa nitong si Alexis Ohanian. ()

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?