77
abante train dti lopez
Nov 15, 2019 @ 19:15
By

DTI Sec. Lopez manhid sa paghihirap ng mga magsasaka – farmer group

Binatikos ng Federation of Free Farmers ang plano ni Trade Secretary Ramon Lopez na mag-angkat ng bigas na magpapalala pa ng paghihirap ng mga magsasaka.

“Why is the DTI making the problem worse,” tanong ni FFF national manager Raul Montemayor.

Matagal nang umaalma ang mga magsasaka sa pagpasa ng Rice Tariffication Law na dahilan ng pagbaha ng imported rice sa bansa na siya namang rason kaya’t sumadsad ang presyo ng palay.

Ayon sa FFF, bumabaha na nga ng imported rice sa bansa at madami pang mga palay dahil panahon pa ng ani, saka pa hihirit pa ang Department of Trade and Industry na mag-aangkat ito sa ilalim ng Philippine International Trading Corp.

Ibang lebel ng kamanhiran na ito ayon kay FFF farmer leader Leonilo Binalangbang ng Mindoro Occidental.

“These top officials have no idea, or maybe no understanding, of what we farmers are going through at the moment,” sabi ni Binalangbang. “Hindi na makabayad ng utang ang ilan sa kanila at pinatigil na rin ng iba sa pag-aaral ang kanilang mga anak, at kakaunti na lang ang kanilang pera pambili ng pagkain.”

Sabi niya, hindi na sila makatatagal sa ganitong sitwasyon at walang karapatan ang economic managers na pag eksperimentohan ang kanilang mga buhay.

Sinabihan na sila ni Agriculture Secretary William Dar na mahihirapan talaga sila sa umpisa ng RTL dahil ganoon talaga ang nangyayari sa tuwing nagbubukas ang merkado.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?