75

Dec 14, 2017 @ 11:12
By

DTI sa publiko: Mamili ng maaga

Pinayuhan kahapon ng Department of Trade and Industry (DTI) ang publiko na mamili na ng maaga upang makaiwas sa rush ngayong kapaskuhan.

Sinabi ng DTI na dapat na samantalahin ng publiko habang di pa gaanong masikip ang mga supermarket at mababa pa ang mga presyo gayundin ang kalidad ng kanilang bibilhing produkto na pasok sa kanilang budget.

Kaugnay nito tatlong malalaking supermarket sa Cubao sa Quezon City ang ininspeksyon ng mga tauhan ng DTI upang tiyakin na sumusunod sa Suggested Retail Price (SRP) sa mga produktong fruit cocktail, spaghetti, hamon, tinapay, sandwich spread, mayonnaise at iba na kailangan ihanda ngayon Pasko.

Ayon sa DTI, ugaliing hanapin ang mga listahan ng SRP upang hindi malito.

May ilang tindahan na nagbebenta ng mga mura pa at may mga promo.

Binigyan din ng DTI na ang mga lalabag dito ay maaaring kasuhan ng profiteering na may multang P1 milyon kundi man ay hindi baba sa isang taon ang pagkakulong.

Nanawagan din ang ahensya sa mga negosyante na makiisa sa ipinatutupad na SRP dahilan nakapaloob na dito ang kita ng negosyante.

Inaasahan din ng DTI na walang pagtaas ng presyo ngayong Pasko hanggang Bagong Taon.

Nauna nang inihayag ng DTI, na stable ang presyo ng mga produktong pang Noche Buena.

Sa huling ipinalabas na report ng ahensya ang presyo ng Hamon (500 grams-5 kilos) P137-P949, Fruit cocktail (432 grams-3.06 kg) P46.10-P200.90, Quezo de bola (300 grams-750 grams): P149-P450, Spaghetti (200 grams-1 kilo) P15.25 -P88.00

Spaghetti sauce (250 grams-1 kilo) P20.50-P83.30

May ilang items na konting nagmahal gaya ng hamon at cream pero bumaba naman ang presyo ng ilang brands ng pasta kumpara noong nakaraang taon.

Ang mga naturang SRP ang presyo ng mga manufacturer sa mga nabanggit na produkto hanggang sa katapusan ng taon.(Armida Rico)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?