94

Oct 9, 2017 @ 16:55

DTI sa publiko: Huwag patukso sa murang bilihin

Pinayuhan ng Department of Trade and Industry (DTI) ang publiko na huwag patutukso sa mga murang halaga ng mga bagay ngayon Kapaskuhan.

Sinabi ni Trade Undersecretary Teodoro Pascua na dapat pang pagdudahan kung sobrang mura ng bagay dahil aniya maaring kinalaunan ay mas malaki pa ang gastusin.

“Maraming Christmas lights halimbawa na lang ang ipinagbibili, may tatlo ang P100 pero hindi ka nakakasiguro sa kaligtasan nito baka pagmulan pa ng sunog,” ani Pascua, sa paglulunsad ng Diskuwento Caravan-Consumer Welfare Month sa Makati City kahapon.

Aniya dapat suriin palagi ang binibili at lagging hanapin ang Import Commodity Clearance (ICC) mark kung ang produkto ay imported at ang Philippine Standard (PS) mark kung ang binibili ay gawa sa Pilipinas.

Dagdag pa ng opisyal ang mga may kamahalan na mga produkto ay nakakatiyak ang kalidad kumpara sa mga mura na maaring agad masira kayat sayang lang ang pinaghirapan pera.

Nabanggit din ni Pascua na para sa patuloy nilang pagbibigay proteksyon sa mga konsyumer ngayon papalapit na Kapaskuhan, magsasagawa sila ng inspections hindi lang sa mga malls kundi lalo na sa mga lugar na kilala sa mga murang bilihin, lalo na ang Divisoria sa Maynila. (Pinggoy Romero)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?