20

Nov 9, 2021 @ 13:49
By

DTI Region 1 naglunsad ng Negosyo Center

Upang mapabuti ang mga serbisyo para sa micro, small and medium enterprises (MSME), nagbukas ang Department of Trade and Industry- Region 1 (DTI-R1), sa pamamagitan ng provincial office nito sa La Union, ng karagdagang Negosyo Centers (NCs) sa mga munisipalidad ng Sudipen, Pugo at Sto. Tomas

Dumalo sa mga programa sina DTI Regional Director Grace Falgui-Baluyan, Provincial Director Merlie Membrere, at ng kani-kanilang LGU Local Chief Executives.

Sa kanyang mensahe, sinabi ni Dir. Baluyan na isa sa layunin ng Negosyo Center ay mailapit ang serbisyo ng gobyerno sa mga tao.

“The establishment of Negosyo Center will encourage more enterprises to register or scale-up their businesses. As we create more businesses, there will be more employment opportunities for the people, thereby, leading to economic prosperity in said municipalities,” saad nito.

Ang pagsasabatas ng Republic Act No. 10644, na kilala rin bilang Go Negosyo Act, ay nagpapatibay sa patakaran ng estado na itaguyod ang pambansang kaunlaran, isulong ang inclusive growth, at bawasan ang kahirapan sa pamamagitan ng paghikayat sa mga MSME na magpa-unlad. (Sherrylou Nemis)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?