19

Nov 20, 2021 @ 18:44
By

DTI: Piliin orig na Christmas light

Sa papalapit na pagdiriwang ng kapaskuhan ay binaalan ng Department of Trade and Industry (DTI) ang publiko na maging maingat sa pagbili ng Christmas light.

Ayon kay DTI Undersecretary Ruth Castelo, sa pagbili ng Christmas light ay dapat hanapin ang Product Standard (PS) mark o ang Import Commodity Clearance (ICC) sticker.

Ito umano ay para masigurado ng konsyumer na dekalidad ang kanilang biniling kagamitan.

“[Ito ay] para siguradong pumasa sa kalidad at sa lahat ng testing ng DTI,” ayon kay Castelo.

Dugtong pa niya, bilang gabay sa mga mamimili ay nakasaad sa website ng DTI ang mga awtorisadong manufacturer at importer ng Christmas light.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?