9

May 4, 2021 @ 15:59
By

DTI: Paglipat sa GCQ nakadepende sa sitwasyon ng COVID

Ibabase sa datos tungkol sa COVID-19 kung luluwagan na ba ang quarantine status sa Metro Manila at iba pang lugar.

Ayon kay Trade Secretary Ramon Lopez, posibleng sa kalagitnaan o pagtatapos ng Mayo ay maging general community quarantine (GCQ) na sa NCR Plus area.

“Even after May 15, everything will depend on numero na bumababa ang COVID cases, yung r-naught, tsaka kung dumami na ang libreng ICU beds, that will allow us to scale down or deescalate sa GCQ. It will depend, in the end, sa numero,” saad ni Lopez sa report ng CNN Philippines.

Dagdag pa ng kalihim, dapat ay maging localized na ang lockdown, ibig sabihin ay ang mga area lang kung saan kumakalat ang COVID-19 ang dapat ikandado.

Sa May 14 nakatakdang matapos ang modified enhanced community quarantine (MECQ) sa Metro Manila at iba pang lugar.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?