126

Dec 28, 2017 @ 19:04
By

DTI nagbabala sa online shopping

Dahil usong-uso na ngayon ang online shopping, nagpalabas ang Department of Trade and Industry ng paalala sa mga tumatangkilik ng bagong paraan ng pamimili.

Sinabi ni Trade Usec. Teodoro Pascua na isa sa dapat agad tingnan ng mga tumatangkilik sa online shopping ay ang Secured Socket Layer o SSL certificate ng website ng online shopping.

Paliwanag niya ang SSL certificate ang nagsisilbing proteksyon ng kliyente o kustomer ukol sa mga personal informations na kanilang ibinabahagi sa website.

Kasabay nito ang babala din ni Pascua ukol sa ‘phishing websites’ kung saan ang hinihingi naman ay mga personal documents ng online seller tulad ng DTI at BIR registration, business permits at iba pang dokumento sa pagnenegosyo mula sa mga ahensiya ng gobyerno.

Dagdag payo pa ng opisyal makakabuti ang ‘ cash on delivery’ na pagbabayad sa biniling produkto online.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?