49

Feb 24, 2020 @ 18:25
By

DTI makikipagpulong sa Honda

Noong Linggo, Pebrero 23 lang daw nalaman ng Department of Trade and Industry (DTI) na isasara na ng Honda ang planta nito sa Sta. Rosa, Laguna.

Ayon sa DTI, makikipagpulong ito sa Honda sa darating na Lunes para makapaglatag ng mga alternatibo para hindi masyadong makapilay sa mga apektado lalo na sa 380 na mga manggagawa nito.

Sinisisi ng DTI ang desisyon ng Honda sa pagbaha ng imports na pumipilay na sa industriya kaya’t inumpisahan na nito ang proseso para makapagpataw ng safeguard duty na magpapamahal sa presyo ng imports na maaaring mapagkublihan ng lokal na industriya.

“We really have to study the need to impose safeguard duty and other measures to provide at least a level of support to the local assemblers,” sabi ni DTI Secretary Ramon Lopez.

Dagdag pa niya, maaaring nahihirapan na ang Honda na mapababa ang presyo ng mga kotseng ginagawa dito dahil wala namang itong proteksyon sa taripa.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?