23

By

DTI magtatakda ng SRP sa manok, baboy

Sharing is caring!

Aagapan na umano ng gobyerno ang paglobo ng presyo ng karneng baboy at manok.

Ayon kay Department of Trade and Industry (DTI) Undersecretary Ruth Castelo, mag-iisyu ang DTI at Department of Agriculture (DA) ng suggested retail price (SRP) sa mga nasabing produkto.

Sa batas, hindi maaring lumagpas sa SRP ang presyo ng produkto.

Sinabi ni Castelo na babantayang maigi ng DTI ang farm gate price ng karne o ang presyo nito mula sa mga babuyan at manukan hanggang sa madala ito ng mga trader sa mga pamilihan.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?