112

Dec 4, 2017 @ 17:17
By

DTI: Iwasan ang ‘Christmas rush shopping’

Aminado ang Department of Trade and Industry (DTI) na ilang araw bago ang pagsapit ng araw ng Pasko ay nagkakaroon ng ‘artificial price hike’ sa mga Christmas goods.

Kaya ang payo ni Trade Usec. Teodoro Pascua iwasan ang pamimili limang araw bago ang Christmas Day.

Ibinahagi nito, na ilang negosyante ang nagsasamantala na magtaas ng presyo dahil sa matinding pangangailangan.

“Kadalasan, five days before konti o ubos na ang dapat bilihin kaya nagkakaroon ng pagtaas sa presyo,” ani Pascua.

Aniya, makakabuti kung pagtanggap ng suweldo o bonus sa ika-15 ng Disyembre ay maglaan na ng oras para sa pamimili, lalo na ng mga kakailanganin sa noche Buena.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?