12

Feb 16, 2021 @ 19:59
By

DTI hinimok mga supermarket owner pababain presyo ng karne

Minamata ng Department of Trade and Industry (DTI) na kumbinsihin ang mga supermarket owner na magkasa ng presyong mas mababa sa iniatas ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Ani DTI Undersecretary Ruth Castelo sa isang pagdinig, tinitingnan din nilang maglagay ng ilang regulasyon sa mga imported na karne.

“We’re looking into imposing some regulations also on imported meat products. Also in supermarkets, we are also looking into this. We are trying to convince supermarket owners if they can possibly bring the prices of meat products lower than the suggested price or the price ceiling imposed by the President,” ani Castelo.

Kamakailan lamang nang ipatupad ng Pangulo ang 60-araw na price freeze sa baboy at manok sa bawat pamilihan ng National Capital Region.

Sa ilalim ng prize freeze, papalo sa halagang P270/k para sa kasim at pigue, P300/k para sa liempo at P160 para sa manok.

Nobyembre ng nakaraang taon nang magpatupad ang Pangulo ng price freeze sa Luzon buhat ng iniwang pinsala ng Typhoon Ulysses.

BASAHIN: https://tnt.abante.com.ph/duterte-nagpatupad-60-araw-price-freeze-sa-baboy-manok-sa-ncr/

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?