0
views

By

DTI: Bilang ng Pinoy na kumakain sa mga restawran, tumaas

Sharing is caring!

Ang nadagdagan umanong Pinoy na kumakain sa labas o sa mga restoran, fast food chain at kung ano-ano pang kainan ang nagpapakita ng paglago ng ekonomiya.

Ayon kay Trade Sec. Ramon Lopez, ‘yung mga dating ‘di kumakain sa labas, kumakain na sa fast food habang ‘yung mga kumakain sa fast food ay kumakain na umano sa mga eat-all-you-can at ‘yung mga kumakain sa eat-all-you-can, kumakain naman umano sa mas mamahaling restaurant.

Aniya, parang lahat umano ay nag-a-upgrade.

“Sa mga talaan natin, ‘yung eating out sa restaurants, ‘yan po ang isa sa mga lumalaki. Characteristic po ng growing economy, ng growing middle-class,” ani Lopez sa panayam sa radyo.

Inihalimbawa pa nito ang huling survey ng Social Weather Station (SWS) kung saan marami umano ang nagsabi na hindi sila mahirap na ang ibig sabihin umano ay mas marami nang hawak na pera ang mga ito.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?