6

By

DTI babantayan ang suplay ng bilihin sa Region 1 at 2, mga command center itatatag

Sharing is caring!

Tututukan ng Department of Trade and Industry (DTI) ang mga rehiyong matinding sinalanta ng bagyong Ompong para matiyak ang suplay sa mga pangunahing bilihin.

Ayon kay DTI secretary Ramon Lopez, nagtatag sila ng mga command center para matiyak na magtuloy-tuloy ang suplay ng mga pang-araw-araw na pangangailangan pagkatapos manalasa ang bagyo.

“The Department of Trade and Industry (DTI) has set up command centers to ensure continious flow of basic necessities and prime commodities especially right after the typhoon,” ani Lopez.

Sinabi pa ng kalihim na ang command center ang magsisilbing daanan ng mga supply para matiyak na makarating ang mga produkto sa Regions 1 at 2 na matinding sinalanta ng bagyong Ompong.

“Command Center is linked with the regional directors and with local distributors and stocks ready from Manila and possible transfers from other distributors in nearby regions of 3 and 4 to support regions 1 and 2,” dagdag pa ni Lopez.

Nagbigay din ng hotline ang DTI na1348 para matawagan ng mamamayan upang matukoy kung tama ang presyo ng mga bilihin o pinatungan ng sobra ng mga suwitik na negosyante. ()

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?