1,387

Dec 17, 2020 @ 12:35
By

DSWD pinapaliwanag ng Navotas mayor sa SAP

Sumulat ang Navotas City government sa Department of Social Welfare and Development (DSWD) para mabigyang-linaw ang mga isyu hinggil sa social amelioration program (SAP) ng huli.

Sa Twitter, pinakita ni Mayor Toby Tiangco ang liham niya para kay Vicente Tomas, ang regional director ng DSWD-National Capital Region.

Hinihingi niya ang paliwanag kung bakit may mga benepisyaryo sa first tranche ng SAP na nawala sa payroll ng second tranche.

Gusto ring malaman ng lokal na gobyerno kung kailan talaga makukuha ng mga apektadong benepisyaryo ang kanilang ayuda.

“Sa first tranche ng SAP, umabot sa 27,929 ang mga kwalipikadong benepisyaryo na nabigyan ng ayuda. Sa digital payout ng second tranche, 26,699 lamang ang mga pangalang nakalista sa payroll mula sa DSWD,” punto ng alkalde kagabi, Disyembre 16.

“Sa bilang na ito, 11,439 na ang nakakuha ng ayuda at 666 ang natanggal dahil nakatanggap na sila ng financial assistance mula sa iba pang ahensya. May 9,104 naman na nakaranas ng failed Paymaya transaction at ngayon ay tumatanggap na ng ayuda. Kasama sila sa payout na naka-iskedyul ng December 15-26. Ang natitirang 5,490, na nakaranas din ng error, ay naghihintay pa ng update kung kailan matatanggap ang kanilang subsidiya.”

“Makaaasa po kayong bibigyan namin kayo agad ng update pag natanggap na namin ang kanilang sagot,” aniya pa sa mga Navoteño.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?