10

By

DSWD nakaalerto pa rin sa epekto ng habagat

Sharing is caring!

Kasabay ng anunsiyo ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) na magpapatuloy ang pag-ulan hanggang sa darating na araw ng Linggo, nananatiling nakaalerto ang Department of Social Welfare and Development (DSWD) kaugnay sa epekto ng habagat.

Sinabi ni acting Social Welfare Sec. Virginia Orogo, kailangan nilang maging alerto sa posibleng paghingi ng saklolo ng mga lokal na pamahalaan na makakaranas ng matinding epekto ng mga pag-ulan.

Pagtitiyak nito, sapat ang mga naihanda nilang food and non-food items at ang mga ito ay nakahanda na sa kanilang field offices para ipamahagi.

Banggit nito, nakapagsagawa na sila ng preemptive evacuations sa mga pamilya sa Nasugbu, Batangas at Taytay, Rizal, samantalang nagbukas na ng isang evacuation center sa Sta. Cruz, Zambales para sa pananatili ng 10 apektadong pamilya.

Sa Pampanga naman, 16 na bahay ang napinsala na dahil sa epekto ng bagyong Domeng at habagat.

Kasabay nito ang panawagan ni Orogo sa mga taga-Luzon na maging alerto sa pagbaha at pagguho ng lupa na maaaring idulot ng patuloy na pag-ulan.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?