410

Apr 22, 2020 @ 11:13
By

DSWD nag-sorry sa hindi pa nabibigyan ng ayuda

Humingi ng paumanhin ang Department of Social Welfare and Development (DSWD) sa mga hindi pa nakakatanggap ng ayuda mula sa pamahalaan.

Ayon kay DSWD Spokesman Irene Dumlao, may pagkukulang man ang kanilang tanggapan, sinisikap pa rin nilang ma-improve ang kanilang sistema para maayos at madali ang pagbibigay ng ayuda.

Aniya, “Maaring may pagkukulang kami pero sinisikap naman na i-improve ang ating mekanismo para maayos at mapadali ang pagbibigay ng ayuda.”

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?